Panoorin ang aming pagpapakilala sa BEES na video.
Ang BEES App ay isang business management tool na maaari ninyong magagamit para i-manage ang inyong orders at invoices. Ang mga features ng application na ito ay ang mga sumusunod:
1. Banner – makikita ang banner sa itaas na bahagi ng Main Menu. Ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa Nestlé products, discounts at exciting promotions na maaari ninyong abangan at i-avail.
2. Quick Order – maaari itong gamitin para sa mas mabilis na check-out process. Sa section na ito makikita ang history ng mga Nestlé products na inyo nang nabili. I-select lamang ang mga products na gusto ninyong i-order muli at ilagay sa inyong cart para sa mas mabilis na check-out process.
3. Categories – ito ay makakatulong sa paghahanap ng Nestlé products na gusto ninyong bilhin. Ang bawat Nestlé product ay nakaayos base sa product type at brand. Maaari mo rin mahanap ang iba’t-ibang Nestlé products gamit ang search bar.